Posts tagged renthoughts.

Ang hirap pala.

Ang hirap palang magpanggap na masaya ka kahit hindi naman talaga.

Ang hirap palang mag-pretend na OK lang ang lahat kahit nasasaktan ka na.

Ang hirap palang maging matatag kahit alam mong bibigay ka na.

Ang hirap palang umiwas sa mga problema at gumising araw-araw na iniisip ang mga solusyon sa problemang yun.

Ang hirap palang tanggapin na wala ka nang magagawa kundi maghintay.

Maghintay kung kelan ulet magiging OK ang lahat.

At mahirap palang hindi isipin na, “darating pa kaya yung araw na yun?”

Ganun pala talaga…

Kapag naging malapit na sa’yo yung isang tao, nakikita mo yung emosyon na pilit niyang tinatago.. Pinapakita niyang masaya siya pero alam mo na that person is struggling with something.. Ramdam mo sya.

You just hope that person to be ok and happy.

DON’T JUDGE.

Huwag  kang basta-basta manghuhusga ng tao kasi hindi mo naman alam yung pinagdadaanan niya.

Maaaring itinatago lang niya yung sakit at lungkot na nararamdaman niya sa mga ngiti at tawa na pilit niyang ipinapakita.

Don’t jump into conclusions kasi wala kang alam. You didn’t even know the story behind that person’s actions, character or attitude. You wouldn’t know.

YOU. JUST. DON’T.

Letting go..

May mga bagay na mahirap, pero kailangan mong gawin kasi yun ang tama.

Kahit na alam mong masasaktan ka at makakasakit ka, gagawin mo pa rin kasi alam mong it’s for the better.

Mahirap mag-let go lalo na kapag mahalaga sa’yo yung isang tao.. but it’s a must for the two of you to grow up.

Kailangan nyo munang ma fulfill yung dreams nyo nang magkahiwalay. Malay mo in the end, kayo pa rin naman magkatuluyan ‘di ba?

Ang pag-lelet go.. parang nagpa-bunot ka lang ng masakit na ngipin. 

Pagkatapos mong magpa-bunot, hindi na ito muling sasakit. Pero, ilang beses mo ding titignan sa salamin yung space kung sa’n sya dating nandun. 

Ilang beses rin na fini-feel ng dila mo yung spot na dating kumpleto pero ngayon may gap na. At minsan, ma-mimiss mo yung feeling na nakikita mong kumpleto sya lalo na kapag nag-ssmile ka. Mahirap.. pero in time, matutunan mo ding tanggapin yung pagkawala nun.

Mare-realize mo na you’ve made the right decision, kasi sa bandang huli.. May bagong ngipin na tutubo at magiging kumpleto na ulet yung smile mo. :)


“Sometimes it’s better for two people to break up, so they can grow up…”

-Mark, One More Chance

Kasalukuyang ka-chat yung high school bestfriend kong heartbroken. Kakabreak lang nila ng girlfriend niyang close friend ko rin..

3 years yung tinagal nila. Tapos, ayun. Wala na.

‘di naman talaga maiiwasan yun.. Sa isang commitment, magwo-work yan dahil sa choice ng dalawang tao na i-save pa rin yung relationship nila. Kahit na gawin mo ang lahat para lang ‘wag kayong maghiwalay, ‘pag ayaw na niya.. wala ka nang magagawa kundi tanggapin na lang yung naging desisyon niya.

At sabi nga din sa One More Chance, “It takes two grown-ups to make a relationship work..”

Hindi naman lahat ng break-up negative ‘yung magiging outcome eh. Siguro, nangyari lang yun para matuto tayo at maging matibay sa mga pwede pang mangyari sa hinaharap. At para din marealize natin na super worth it talaga kapag nakita na natin yung taong nilaan sa’tin ni God.

Walang mali sa pagmamahal. Ang mali lang ay yung taong pinili nating mahalin. Kapag nakita na natin yung taong TAMA para sa’tin at mag-tatama ng lahat ng mali sa buhay natin, marerealize natin kung bakit hindi nag-work out sa iba.. Kasi siya pala yun RIGHT person na ni-reserve ni God for us. ;)

<3

LOVE

(Hindi pa pala ako nakakapag-post sa blog ko ng tungkol sa salitang ‘to.. ng tungkol sa salitang LOVE o PAGMAMAHAL.)

Paano nga ba maipapadama ang pagmamahal? 

Para sa’kin, mapapadama mo yung pagmamahal sa pamamagitan ng pagiging selfless mo. Yung kaya mong ibigay kahit ano para dun sa mga taong mahal mo.. kahit na maging katumbas nun ay ang masaktan ka. Basta makita mo lang na masaya sila, masaya ka na din para sa kanila.

Sa LOVE naman kasi, hindi maiiwasan yung may masaktan kang ibang tao eh. Kapag hindi ka handang masaktan, mas mabuti pang ‘wag ka na lang magmahal. Automatic na kasi ang may masaktan sa isang relationship.

Minsan, nagiging patunay din na mahal natin ang isang tao kapag nasasaktan tayo nang dahil sa kanila. Yung naapektuhan ka sa kung anong nararamdaman nila. At kung ga’no kalaki at kalalim yung pagmamahal mo sa kanila, ganun din yung amount ng PAIN na mararamdaman mo kapag nasasaktan sila.

But in spite of all the pain, ‘wag tayong tumigil sa pagmamahal. Nabasa ko nga kanina sa letter na binigay sa’kin ng high school friend ko, “Do not be afraid to love.. Even if it takes a hundred or thousands of pain as an exchange, love as long as you live. Even if loving tends to break every pieces of your easy heart, just do it. Love will always be the best thing you could ever give..”

Kaya kapag nagmahal tayo, ibigay natin lahat. ‘wag tayong matakot, kasi yung pagmamahal na ibinibigay at ipinaparamdam mo sa iba.. susuklian yan ni God ng doble-dobleng pagmamahal na ipapadama Niya sa’yo, sa pamamagitan ng mga taong tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa’yo.

~Naisipan ko lang mag-post kasi.. I feel LOVED. Ngayon ko lang talaga sobrang naramdaman at na-appreciate yung pagmamahal ng mga taong mahalaga sa’kin. Nararamdaman ko naman dati pa, pero at this point in time.. iba yung feeling eh. Dahil siguro ‘to sa mga nangyari nung nakaraang araw. ;)

Kanina ring nasa church ako, lalo kong naramdaman yung LOVE ni GOD for me.. An’dami kong naipag-pasalamat sa Kanya. Haay.. :) LOVELOVELOVE! <3

#renthoughts  #LOVE  #&lt;3  #:)  

LIFE IS RACE. A GAME. BUT WHAT MATTERS MOST IS HOW YOU PLAY THE GAME.

Hindi ito tungkol sa sino’ng panalo o sino’ng talunan.

Ang importante ay kung pa’no ka naging patas sa laro ng buhay.

Hindi lahat ng gusto natin ay pwede nating makuha.

Dahil hindi lahat ng bagay, deserve natin.

Yung mga bagay lang na para sa’yo ang makukuha mo.

Pero kung hindi mo kayang mag-take ng risk para makuha mo yun, kahit na deserving ka pa..

May ibang taong magmamay-ari nun at..

hindi na ito mapapasa’yo kahit na ano pang gawin mo.

RF: Ayoko ng ulan.

Ayoko yung pakiramdam na nilalamig ako.. Tapos walang kayakap. 

Feeling ko nag-iisa lang ako. Yung feeling na “FOREVER ALONE.” 

Yung feeling na nakatingin ka lang sa bintana habang umuulan at makulimlim ang langit.. Tapos sasakto pa yung pang-EMO na tugtog sa radyo.. 

Ang ending eh, yayakapin mo na lang yung sarili mo kasi nga nilalamig ka na.

~Yak ang EMO!! Pasensya masama pakiramdam. :l